^

Metro

2 ‘wanted rapist’ nalambat sa Caloocan

Pilipino Star Ngayon
2 ‘wanted rapist’ nalambat sa Caloocan
Sa report ni Caloocan City Police Chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District Director P/B Gen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan City Police hinggil sa pinagtataguan ng akusadong si alyas “Rudy” na kabilang sa mga Most Wanted Person (MWP) sa lungsod.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Dalawang lalaking wanted sa kasong rape ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation sa Caloocan City nitong Sabado ng gabi.

Sa report ni Caloocan City Police Chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District Director P/B Gen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan City Police hinggil sa pinagtataguan ng akusadong si alyas “Rudy” na kabilang sa mga Most Wanted Person (MWP) sa lungsod.

Agad namang bumuo ng team ang WSS na nagsagawa ng manhunt operation laban sa nasabing wanted sa batas na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-11 ng gabi sa Sixta Matias Street Barangay 171, Sampaloc Bagumbong ng lungsod sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ma. Teresa De Guzman Alvarez ng Regional Trial Court (RTC) Branch 131, Caloocan City noong Pebrero 5, 2024, sa kasong 4-counts Qualified Rape sa ilalim ng Art. 266-A, par. 1(A) na may relasyon sa Art. 266-B (1) of the RPC, 4 counts.

Nauna rito, alas-9:45 ng gabi nang malambat naman ng kabilang team ng WSS, kasama ang mga operatiba ng Intelligence Section sa joint manhunt operation sa B. Serrano Avenue, Barangay 86, ang isa pang MWP na si alyas “Ramon” sa bisa ng warrant of arrest na inisyu  ni Presiding Judge Barbara Aleli Hernandez Briones ng Family Court Branch 1, Caloocan City noong Pebrero 8, 2024, sa kasong 3 counts ng statutory rape.

CALOOCAN CITY

RPC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with