^

Metro

3 sakay ng tricycle pinagbabaril, utas!

Doris Franche, Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
3 sakay ng tricycle pinagbabaril, utas!
Batay sa inisyal na impormasyon, lulan ng tricycle ang tatlong biktima nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Brgy. Basuit, umaga ng Sabado nitong Marso 16.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang tatlong lalaki matapos paulanan ng bala ng hindi nakilalang mga salarin kahapon ng umaga sa Brgy. Basuit, San Ildefonso, Bulacan.

Batay sa inisyal na impormasyon, lulan ng tricycle ang tatlong biktima nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Brgy. Basuit, umaga ng Sabado nitong Marso 16.

Ayon pa sa impormasyon, hinabol pa ng sinasabing mga salarin ang tricycle hanggang sa maabutan at pagbabarilin ito na agaran nilang ikinamatay.

Ilang mga residenteng namimitas sa kanilang pananim ang nakarinig ng mga putok ng baril sa nangyaring insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakakilanlan ng mga biktima at mga armadong suspek sa naturang krimen.

BASUIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with