^

Metro

Halos P15 milyong cocaine, marijuana nasabat sa Pasay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa P15 mil­yong halaga ng marijuana at cocaine ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police Philippine Drug Enforcement Group (PNP- PDEG) sa Pasay.

Ayon kay PDEG Director PBrig. Gen. ­Dionisio Bartolome Jr.,  nakumpiska ang mga nasabing droga sa  Central Mail Exchange Cen­ter sa  Domestic Road bandang ala-1:30 ng hapon nitong Biyernes.

Nakatanggap sila ng impormasyon na  may babagsak na illegal drugs sa  nasabing post office kaya agad nilang ikinasa ang operasyon.

Tinatayang nasa  2.45 kilos ang  cocaine na may street value na P12.99 milyon habang nakalagay naman sa anim na plastic bag ang 1.3 kilos ng  marijuana na may halagang  P2.46 milyon.

Dinala na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nasabat na illegal drugs.

Iniimbestigahan na rin kung saan galing ang mga kontrabando at consignee nito.

PDEA

PDEG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with