^

Metro

Magkapatid na menor de edad, patay sa sunog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Magkapatid na menor de edad, patay sa sunog
Residents of Barangay Poblacion in Mandaluyong City try to salvage scraps from their houses on Thursday, after a second-alarm fire razed the residential area on March 13, 2024
STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Patay ang magkapatid na menor de edad habang sugatan naman ang isang babae sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Mandaluyong City ka­makalawa ng hatinggabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Justine Dave Postigo, 6, kindergarten pupil, at Joyce Anne Postigo, 15, Grade 10 student.

Samantala, sugatan naman sa sunog si Angelou Quintana, 22, na nagtamo ng lacerated wound sa kanyang mukha.

Batay sa ulat ng Mandaluyong BFP, dakong alas-11:51 ng gabi ka­makalawa nang maganap ang sunog sa tahanang matatagpuan sa Star Interior, Brgy. Poblacion, Mandaluyong City at mabilis na kumalat sa mga katabing tahanan.

Ayon sa mga imbestigador, bago ang sunog, napaulat na hindi nakalabas ng kanilang tahanan ang mga biktima.

Sa panayam sa ginang sa radyo, sinabi nitong nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng kanilang bahay kung saan natutulog ang magkapatid.

Nagkataon naman umanong bumaba siya ng bahay upang kumuha sana ng arinola su­balit mabilis aniya ang pangyayari, hindi na niya nagawang balikan pa at iligtas ang mga anak.

Agad na nagsagawa ng mopping operation at nadiskubre ang mga bangkay ng magkapatid.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa 50 bahay ang tinupok ng apoy at nasa 150 pamilya ang naapektuhan nito.

Nahirapan umano ang mga pamatay-sunog na pumasok sa lugar dahil sa masisikip na eskinita doon.

Sa lakas ng apoy, kaagad na itinaas sa ikalawang alarma ang sunog matapos lamang ng ilang minuto.

Dakong ala-1:01 na ng madaling araw nang maideklara itong under control at tulu­yang ­naideklarang fire out bago mag-alas-2:00 ng mada­ling araw.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa insidente, upang matukoy ang pinagmulan nito, gayundin ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy.

vuukle comment

MANDALUYONG CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with