^

Metro

ER ng PGH limitado sa pagtanggap ng pasyente

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
ER ng PGH limitado sa pagtanggap ng pasyente
Patients and staff from the Philippine General Hospital (PGH) in Ermita, Manila evacuate after the building was hit by a fire that reached the third alarm on March 13, 2024.
STAR/Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Sa kabila nang naganap na sunog, tuloy pa rin ang operasyon ng emergency room (ER) ng Philippine General Hospital (PGH) ngunit limitado lamang ang mga pasyenteng tinatanggap nito sa ngayon.

Ayon kay PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario, nakataas ngayon ang ‘Code Triage,’ sa ER ng PGH, na nangangahulugan na tanging mga taong may life-threatening conditions lamang ang maaari nilang tanggapin doon.

Paliwanag ni Del Rosario, may mga pas­yente rin kasi sila na kinailangang ilipat sa ER dahil sa naganap na sunog sa pagamutan kamakalawa ng hapon.

“Nakikiusap muna kami na very, very limited talaga ang ma-allow na makapasok sa PGH,” aniya pa, sa panayam sa telebisyon.

Matatandaang dakong alas-3:00 ng hapon nang sumiklab ang apoy sa loob ng PGH.

Umabot ito ng ikalawang alarma bago nai­deklarang under control dakong alas-3:45 ng hapon.

Kabilang umano sa naapektuhan ng apoy ay ang Wards 1, 2, 3, at 4, gayundin ang audio-visual room ng Department of Medicine, na hindi naman na ginagamit at nakatakda sanang isailalim sa renobasyon.

Wala namang pas­yente o tauhan ng pagamutan ang nasaktan o nasawi sa sunog at wala rin umanong major hospital equipment ang napinsala ng apoy.

Ani Del Rosario, hindi na rin naman nila kinailangang ilipat sa ibang pagamutan ang kanilang mga pasyente at sa halip ay inilagay na lamang sa ibang wards at units sa loob ng PGH compound.

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with