^

Metro

2 kasong kriminal vs Kerwin Espinosa, ipinabubuhay ng CA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 kasong kriminal vs Kerwin Espinosa, ipinabubuhay ng CA
Batay sa 12-pahinang desisyon ng CA 12th Division, na na-promulgate noong Pebrero 22, tinukoy nito ang pagkakaroon ng procedural lapses nang paburan nito, partially, ang petisyon na kumukwestiyon sa August 2020 decision at March 2022 resolution ng Manila Regional Trial Court Branch 26, na nagpapawalang-sala kay Kerwin Espinosa sa mga kasong illegal possession of firearms and ammunition at paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Joven Cagande

Ipinababalik sa Manila RTC

MANILA, Philippines — Apat na taon matapos maabswelto, ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) ang pagbuhay sa dalawa sa tatlong kasong kriminal na kinakaharap ng self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa.

Batay sa 12-pahinang desisyon ng CA 12th Division, na na-promulgate noong Pebrero 22,  tinukoy nito ang pagkakaroon ng procedural lapses nang paburan nito, partially, ang petisyon na kumukwestiyon sa August 2020 decision at March 2022 resolution ng Manila Regional Trial Court Branch 26, na nagpapawalang-sala kay Espinosa sa mga kasong illegal possession of firearms and ammunition at paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nabatid na sa August 2020 decision ni Judge Silvino Pampilo, ipinawalang sala nito si Espinosa sa mga naturang kinakaharap na kaso, habang sa March 2022 resolution ni acting Presiding Judge John Benedict Medina, na siyang pumalit kay Pampilo, ibinasura nito ang motion for reconsideration ng prosekusyon laban sa desisyon dahil pinal na umano ito at non-reviewable. Hindi na rin umano ito maaaring isulong pa dahil maituturing na itong double jeopardy kay Espinosa.

Ipinasaisantabi naman ng CA ang natu­rang ruling at sinabing, “In view of the foregoing considerations, the Court finds sufficient reason to vacate the findings of the RTC in its assailed decision and resolution and remand [the] criminal case… for the continuation of the consolidated trial on the merits.”

Sa petisyon nito sa CA, sinabi ng prosekus­yon na ang hukom ay nakagawa ng grave abuse of discretion dahil sa pagresolba ng mga kaso nang hindi pa kumpleto ang presentasyon nila ng kanilang ebidensiya.

Kinatigan naman ito ng CA at pinuna ang desisyon ng RTC dahil iprinomulgate ito nang walang presensiya ng public prosecutor na humahawak dito.

Dagdag pa ng CA, “The Court finds some merit in this petition because there is adequate [evidence] sho­wing that the prosecution was denied due process to fully present its evidence.”

CA

KERWIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with