^

Metro

Nakabigti, naaagnas na bangkay natagpuan sa MWSS compound

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang masangsang na amoy ang naging daan upang madiskubre ang nakabigti at naaagnas nang bangkay ng isang lalaki na nakasabit sa puno sa Quezon City.

Nakasuot pa ng  pantalon, itim na hoodie, rubber shoes at cap ang  lalaki nang  madatnan ng mga  tauhan ng Quezon City Police District-Cri­minal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU).

Ayon kay Gevero, natagpuan ang bangkay dakong alas-10 ng ­umaga nitong Huwebes sa  loob ng tower 11 MWSS Compound, Quirino Highway, Brgy. Greater Lagro, QC.

Napag-alamang  ­ilang construction worker ng  MRT-7 ang nagbigay ng impormasyon sa mga  forest protection officers na sina Roden Lacbayen at Orlando Guira  na nakalanghap sila ng  masangsang na amoy sa lugar.

Nang tunguhin ang  lugar dinatnan nila ang  bangkay na may electrical cord na nakapulupot sa leeg na nakasabit sa puno.

Dahil dito, pinaniniwalaang nag-suicide ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para sa pagkakakilanlan ng biktima.

vuukle comment

MWSS

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with