^

Metro

Phase 1 ng LRT-1 Cavite extension, target buksan ngayong 2024

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Phase 1 ng LRT-1 Cavite extension, target buksan ngayong 2024
The Light Rail Manila Corporation (LRMC) announced on March 6, 2024
Facebook/Light Rail Manila Corporation

97 percent complete na

MANILA, Philippines — Target ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na mabuksan na sa publiko ang Phase 1 ng Cavite Extension ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa huling bahagi ng taong 2024.

Ayon sa LRMC, na siyang private operator ng LRT-1, sa ngayon ay 97 porsiyento nang kumpleto ang konstruksiyon nito.

Anunsiyo pa ng LRMC, “Great news for our dear commuters! LRMC is kicking off the year with exciting progress on the LRT-1 Cavite Extension Phase 1.”

“The project is now 97% complete, with both civil and system works moving swiftly towards a smooth and timely OPENING in the FOURTH QUARTER OF 2024,” anito pa.

Ipinaliwanag ng LRMC na ang LRT-1 Ca­vite­ Extension Phase 1 ay magpapalawak sa kasalukuyang linya ng LRT line ng 6.2 kilometro.

Ito ang magkokonekta sa Baclaran Station sa Pasay City at sa Dr. Santos Station sa Para­ñaque City.

Sa sandali umanong maging fully operational, kaya ng proyekto na magsakay ng hanggang 600,000 pasahero kada araw.

Dagdag pa ng LRMC, kabilang sa mga bagong istasyon ng Cavite extension Phase 1 na malapit nang makumpleto ay ang Redempto­rist Station (93.3% nang kumpleto); MIA Station (93.5%); Asia World Station (83%); Ninoy Aquino Station (88%) at Dr. Santos Station (94.1%).

Ayon pa sa LRMC, upang matiyak na maayos ang takbo ng lahat, sisimulan na rin umano ng LRMC ang mga test runs ng iba’t ibang tren ng LRT-1 sa extension line.

LIGHT RAIL MANILA CORPORATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with