^

Metro

UDM College Admission Test, umpisa na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
UDM College Admission Test, umpisa na
Students are seen all lined-up outside the Universidad de Manila on August 1, 2022.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Inanunsiyo kahapon ni Manila Mayor Honey Lacuna na simula ngayong Lunes, ay magsisimula nang tumanggap ang Universidad de Manila (UDM) ng aplikasyon para sa UDM College Admission Test para sa School Year 2024-2025.

Ayon kay Lacuna, nakapaskil na ang admission guidelines sa social media at ang makakapasa dito ay tiyak nang magkakaroon ng de kalidad na tertiary education.

Sinabi naman ni UDM President Felma Carlos-Tria na ang mga aplikante ay kailangang mag- schedule ng online appointments upang isumite ang kanilang mga application requirements.

Paalala naman ni Tria, ang mga walang appointment ay hindi papayagang makapasok sa UDM Campus. Ang Online Appointment System ay maaaring i-access sa pamamagitan ng link na reg.udm.edu.ph/udmadmission.

Dagdag pa niya, ang pag-access sa Online Appointment System ay kada distrito o sa lugar kung saan naninirahan ang aplikante. Nabatid na ang iskedyul para sa District 1 ay ngayong Marso 4 hanggang 5; District 2 ay sa Marso 6 hanggang 7; District 3 ay sa Marso 8 hanggang 9; District 4 ay sa Marso 10 hanggang 11; District 5 ay sa Marso 12 hanggang 13; at District 6 ay hanggang sa Marso 14 hanggang 15.

Ang iskedyul naman para sa lahat ng Distrito ay ie-entertain mula Marso 16 hanggang 18.

UNIVERSIDAD DE MANILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with