^

Metro

Paggamit ng pito, batuta sa police ops target ni Acorda

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Paggamit ng pito, batuta sa police ops target ni Acorda
In this undated photo shows PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. disclosed that some police units have already implemented his directive of using the non-lethal weapons in carrying out law enforcement.
STAR / Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Target ni Philippine National Police chief Gen. Benjamin Acorda na muling buhayin ang paggamit ng pito at batuta sa mga police operations sa bansa.

Kaya naman inutos ni Acorda ang pagrepaso sa patakaran sa paggamit ng baril ng mga pulis na nagsasagawa ng police operations.

Ang kautusan ni Acorda ay kasunod ng conviction ng pulis-Navotas na si Staff Sergeant Gerry Maliban sa kasong homicide dahil sa pagpatay sa 17-anyos na si Jerhode ‘Jemboy’ Baltazar na mistaken identity. Pinatawan ito ng apat hanggang anim na taong pagkakakulong.

Aniya, ang baril ay dapat na huling opsiyon sa police operations.

Magugunitang nili­linis ni Baltazar ang isang bangkang pangis­da sa Navotas noong Agosto 2023 nang mapagkamalan siyang suspek sa pagnanakaw sa pamamagitan ng pagtugis ng mga pulis.

Nirerespeto naman ng PNP ang desisyon ng korte habang iaapela naman ng pamilya Baltazar ang desisyon.

BENJAMIN ACORDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with