^

Metro

DILG, ARTA at BBC sanib puwersa vs red tape

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsanib-puwersa ang Anti-Red Tape Authority (ARTA), Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang Buklod Bayani Coalition (BBC) upang labanan ang red tape at isulong ang kadalian ng paggawa ng negosyo sa Pilipinas.

Napag-alaman na isang kasunduan ang nilagdaan ng tatlong grupo na magpapatibay sa kanilang pangako sa isang collaborative approach na magpapahusay sa mga proseso ng gobyerno at magpapaunlad ng ekonomiya ng  bansa.

Binigyang diin ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. ang pagtutulungang ito ng lahat ng partido ay makapagbigay sa isa’t isa ng mga kinakailangang tools at resources upang higit na mapahusay ang mga proseso ng pamahalaan sa mga lokalidad.

Sinabi naman ni ARTA Secretary Ernesto Perez na nagpapahiwatig ng isang mahalagang hakbang ang kasunduang ito para makamit ang vision o pananaw ng Pangulo para sa isang mas investor-friendly na Pilipinas.

Ang BBC na binubuo  naman ng mga business leader mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Employers Confederation of the Philippines (ECOP), Philippine Exporters Confederation (PHILEXPORT), International Chamber of Commerce – Philippines (ICCP), at Rotary Club Of Makati Central (RCMC) Foundation.

Panawagan ng­  AR­TA, DILG at BBC sa publiko, ireport sa kanila ang anumang mga katiwalian na kanillang nalalaman at agad nila itong iimbestigahan at magiging confidential ang impormasyon.

Ang pagkilos ng tatlong ahensya ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na unahin ang whole-of-a-nation approach sa pagpapabuti ng business environment.

ARTA

BBC

DILG

RED TAPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with