^

Metro

Reso sa pag-regulate sa e-motor, ikinakasa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Reso sa pag-regulate sa e-motor, ikinakasa
This photo shows a picture of three-wheel electric bikes.
File

MANILA, Philippines — Nakatakdang maglabas ang Metro Manila Council (MMC) ng isang resolusyon na nagre-regulate sa paggamit ng electric motor vehicles, lalo na sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)-Traffic Enforcement Group Director Victor Nuñez na ang resolusyon na nakatakdang  talakayin  ay kinabibilangan ng mga multa at parusang ipapataw sa mga panuntunan patungkol sa gumagamit ng e-motor vehicle.

Pag-iisahin na rin sa resolusyon ang mga polisiya ng local government units (LGUs) sa e-trikes sa patakaran din dito ng national go­vernment.

Mayroon na aniyang, LTO circular noong 2021 na binabalangkas ang mga alituntunin sa regulasyon ng mga e-bikes ngunit walang kaukulang parusa para sa mga paglabag.

“But now with the recent initiatives magkakaroon po ng fines and penalties at mas na-enhance namin ‘yung regulation pertaining to e-trikes, kuliglig and tricycles kasi ‘di lang po e-trikes nakikita natin sa national roads, pati na rin sa mga tricycles”, dagdag pa nito.

Ilang lokal na pamahalaan ang may umiiral na ring mga ordinansa sa regulasyon sa e-trikes bago pa man ang pandemic.

ELECTRIC

MOTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with