^

Metro

250 nasunugan sa Munti

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
250 nasunugan sa Munti
Sa ulat ng Muntinlupa City Fire Station, nagsimula ang sunog alas-3:32 ng madaling araw sa isang bahay na yari sa light materials na pag-aari ng isang Rowena Dente, na ino­okupahan naman ng pamilya nina Jun Bautista at Ricky Ortillo sa Rizal Aplaya, Barangay Poblacion, Muntinlupa.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa  250 pamilya ang apektado ng sunog na tumupok sa 70 kabahayan, sa isang residential area, sa Barangay Poblacion, Muntinlupa nitong Biyernes.

Sa ulat ng Muntinlupa City Fire Station, nagsimula ang sunog alas-3:32 ng madaling araw sa isang bahay na yari sa light materials na pag-aari ng isang Rowena Dente, na ino­okupahan naman ng pamilya nina Jun Bautista at Ricky Ortillo sa Rizal Aplaya, Barangay Poblacion, Muntinlupa.

Nabatid na naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil sa lakas ng hangin at pawang yari sa light materials ang mga kabahayan.

Aabot sa mahigit P350,000 ang halaga ang   napinsalang mga ari-arian sa sunog.

Mabilis namang rumesponde ang nakasasakop na barangay at  Muntinlupa Department of Disaster Resilience and Management (MDDRM) na nag-alalay sa kanila sa evacuation areas tulad ng covered court at Muntinlupa Evacuation Center.

Binigyan din ng food packs, mga gamit tulad ng kumot, tent at iba pang non-food esentials at financial assistance sa pangu­nguna ni Mayor Ruffy Biazon, na personal na bumisita sa mga nasunugan, kasama si Poblacion Barangay Chairman Allen Ampaya at bumisita rin si Muntinlupa Rep. Jaime Fresnedi.

MUNTINLUPA

POBLACION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with