^

Metro

Most wanted sa EPD, huli

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Pasig police ang isang helper na itinuturing na wan­ted ng mga awtoridad dahil sa kinakaharap na kasong murder sa piskalya.

Ang naarestong suspek ay kinilala lamang sa alyas na ‘Bebot’, 25, helper at residente ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Siya ay itinuturing na Top 1 most wan­ted person (MWP) ng Eastern Police District (EPD) para sa unang quarter ng CY 2024 sa ilalim ng Coplan ‘Decibel.’

Batay sa ulat, si Bebot ay inaresto ng joint personnel ng Pasig City Police Station Intelligence Section at RMFB4A 404th A Maneuver Company, dakong alas-2:15 ng madaling araw sa Manila Gravel Pit Road, Brgy. Commonwealth Bayanihan, Quezon City, sa ikinasa nilang manhunt operation.

Nag-ugat ang operasyon nang makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad mula sa intelligence network hinggil sa kinaroroonan ng suspek.

Hindi naman nakapalag pa ang suspek nang arestuhin ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Rowena de Juan Quinagoran, Presiding Judge ng Pasig City Regional Trial Court Branch 166 dahil sa kasong pagpatay.

Wala namang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng suspek, na pansamantalang nakapiit sa custodial facility ng Pasig City Police habang hinihintay pa ang commitment order laban sa kanya ng hukuman.

MWP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with