^

Metro

Babae binurdahan ng bala sa Parañaque

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Babae binurdahan ng bala sa Parañaque
Sa inisyal na ulat ng Parañaque City Police Station, dakong alas- 8:12 ng gabi kamaka­lawa nang maganap ang pamamaril sa may ­Vietnam St., Sitio Irasan, Barangay San Dionisio, Parañaque City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 43-anyos na babae nang tadtarin ng bala ang katawan ng hindi pa tukoy na salarin, sa Pa­rañaque City, Huwebes ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang kinilala sa alyas na Gem, walang asawa, walang trabaho at residente ng lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Parañaque City Police Station, dakong alas- 8:12 ng gabi kamaka­lawa nang maganap ang pamamaril sa may ­Vietnam St., Sitio Irasan, Barangay San Dionisio, Parañaque City.

Sa pagresponde sa tawag ng concerned citizen, nadatnan ng mga tauhan ng San Dionisio Police Sub-station sa pangunguna ni P/Captain Aries Comia ang biktima na nakabulagta, duguan at walang buhay, sa isang masikip na  eskinita  at kinordon ang lugar.

Nabatid na nagtamo ng 5 tama ng bala mula sa kalibre .45 baril ang biktima, habang dalawang  basyo ng nasabing kalibre naman ang natagpuan sa crime scene.

Patuloy pang sinisiyasat kung ano ang motibo sa krimen at tinutukoy pa ang responsable sa pamamaslang.

vuukle comment

GEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with