^

Metro

Korean engineer natagpuang patay sa loob ng hotel

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Korean national ang natagpuang duguan at wala nang buhay na isang silid sa Hotel Sogo sa Brgy. Pulong, Sta Cruz, Laguna noong Sabado ng umaga.

Sa ulat ng pulisya, alas-5:00 ng umaga  nang madiskubre ng hotel supervisor ang duguan at wala nang buhay na biktima na kinilalang si Inkyun Na, 56-anyos, may-asawa, isang engineer ng isang construction company, sa loob ng Room 324 ng Sogo Hotel kung saan siya nag check-in.

Sa ulat ng pulisya, nang nasabing oras ay nag-roving check ang hotel supervisor na si Christian Carlo Logatoc, sa mga silid ng hotel hanggang sa bumulaga sa kanya ang mga patak ng dugo sa loob ng silid ng biktima at nakitang nakahandusay ang Koreano.

Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima ng hotel personnel nang siya ay magcheck-in sa hotel noong Biyernes bandang ala-1:57 ng madaling araw sa Room 324 para sa isang araw na pananatili.

Ayon kay Lt. Col Dwight Fonte, hepe ng Sta. Rosa City Police sa ulat ng pulisya, “suicide ang lumalabas sa paunang imbestigasyon at posibleng nilaslas ng dayuhan ang kanyang pulso gamit ang matalim na bagay.

“The bloods of the victim was scattered inside the room and a sharp blade was recovered by the forensic operatives unit at the C.R. And there was no sign of struggle or disarray of the personal belongings and also the victim’s cash money, cellphone and other things are intact,” pahayan ni Fonte.

Sinabi ni Fonte na walang nakitang “force entry” sa kuwarto kung saan natagpuan ang patay na dayuhan.

Sa kabila nito, patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid kung may foul play sa insidente.

“We are still waiting the results of the post-mortem examination conducted by the forensic personnel to determine the cause of the death,” dagdag ni Fonte.

BLADE

KOREAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with