^

Metro

2 smuggled Bugatti sports cars, tinutunton ng BOC

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 smuggled Bugatti sports cars, tinutunton ng BOC
Nabatid na ang dalawang units ng 2023 mo­del sports car, isang kulay asul na may plate number na NIM 5448 at isang kulay pula na may plate number na NIM 5450, ay nakarehistro sa mga pangalang Menguin Zhu at Thu Thrang Nguyen.

MANILA, Philippines — Nagpalabas na ang Bureau of Customs (BOC) noong Biyernes, Pebrero 2, 2024, ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) laban sa dalawang Bugatti Chiron sports cars na kamakailan ay namataan sa Metro Manila at Cavite ngunit wala namang kaukulang importation documents.

Nabatid na ang dalawang units ng 2023 mo­del sports car, isang kulay asul na may plate number na NIM 5448 at isang kulay pula na may plate number na NIM 5450, ay nakarehistro sa mga pangalang Menguin Zhu at Thu Thrang Nguyen.

Ayon kay Customs Commissioner Bien Rubio, na sumang-ayon sa WSD na inirekomenda ni Deputy Commissioner for Customs Intelligence Group Juvymax Uy, mayroon na silang natanggap na “derogatory information” hinggil sa mga natu­rang sasakyan noon pang Nobyembre 17, 2023.

“The agency received information last November 2023 about the entry of these vehicles without going through regular customs clearance. These vehicles were also being openly advertised in online markets and va­rious social media sites,” anang deputy commissioner.

Idinagdag pa ni Uy na ang Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) ay nagsagawa na rin ng case build-up matapos na matanggap ang impormasyon.

Umapela naman si BOC-CIIS Director Verne Enciso sa publiko na huwag mag-atubiling ipagbigay-alam sa kanila kung sila ay may nalalamang impormasyon hinggil sa mga naturang behikulo.

Tiniyak din nito na handa silang magkaloob ng cash rewards para sa sinumang impormante o whistleblowers, alinsunod sa Section 1512 ng CMTA at CAO 03-2022, na katumbas ng 20% ng aktuwal na kitang kanilang makokolekta.

Ang mga may-ari ng mga naturang sasakyan ay inaasahan ding hi­hingiin na magpakita ng mga kaukulang importation documents.

Kung matuklasan umanong walang kaukulang dokumento, mahaharap sila sa kaso.

CAR

SMUGGLED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with