^

Metro

Maaaktuhang nagpapapirma ng PI na may kapalit na ayuda, aarestuhin

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Marikina Mayor Mar­celino Teodoro ang agarang pag-aresto sa sinumang maaaktuhang nagpapapirma para sa People’s Initiative (PI) na may kapalit na pera o ayuda.

Ginawa ni Teodoro ang kautusan matapos makatanggap ng ulat na may mga taong nagpapapirma sa Marikina City para sa Charter Change (ChaCha) ngunit ito aniya ay hindi pa naman beripikado.

Ayon kay Teodoro, isang uri ng “criminal act” ang pagbili ng pirma para lang maamiyendahan ang Saligang Batas.

Paliwanag pa ng alkalde sa isang panayam sa radyo na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng ayuda upang makakalap ng pirma.

Nanawagan rin naman si Mayor Marcy sa mga Marikeño na huwag ipagbili ang kanilang mga pirma at panatilihin ang kanilang dignidad.

Binigyang-diin niya na hindi “for sale” ang Marikina at hindi magwawagi ang mga taong magtatangkang bumili ng pirma ng mga residente doon.

CHACHA

TEODORO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with