PNP-ACG ‘zero tolerance’ sa online robbery
MANILA, Philippines — Hinikayat ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang publiko na agad na ipagbigay alam sa kanilang pinakamalapit na tanggapan ang mga potensyal na kaso ng “online robbery” para mabilis na maaksyunan.
Ayon kay ACG Director Police Maj. General Sydney Sultan Hernia, ang online robbery ay isang uri ng “cybercrime” kung saan nakakakuha ng pera o anumang mahalagang bagay ang mga kriminal sa pamamagitan ng pagbabanta sa biktima.
Aniya sa panahon ngayon kailangan ang pagiging maingat at mapanuri sa mga gagawing pakikipagtransaksiyon at pakikipagkaibigan.
Binigyang diin ni Hernia na “zero tolerance” ang ipinatutupad ng ACG pagdating sa mga kriminal na sangkot sa naturang iligal na aktibidad.
Nabatid na mula 2022, nasa 239 kaso ng online robbery ang inaksyunan ng ACG.
Sa nasabing bilang, 44 na suspek ang naaresto at nasampahan ng kaso.
- Latest