Psychological test balak gawing requirement sa pagkuha ng lisensya
MANILA, Philippines — Pinag-aaralan ng Land Transportation Office (LTO) na maisama sa requirement sa pagkuha ng driver’s license ng mga motorista ang psychological test kasama ng dati ng requirement na drive at medical test.
Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza, iniisip na rin nilang maisama sa dagdag requirement ang psychological test dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng road rage sa bansa.
Anya nakikipag-usap na sila ngayon sa Philippine Medical Association hinggil dito pero hindi pa naman ito agad-agad maipatutupad dahil maraming pag-aaral pa ang gagawin ng ahensiya upang maisama ito sa requirements sa pagkuha ng lisensya.
“We are open for all options na makakatulong sa problema, pero kung may 10 percent lamang ang pasaway na drivers ang concern dito at mabibigatan lamang ang 90 percent drivers sa dagdag requirements e mas ok ako na wag muna, depende, pag aaralan pang mabuti yan,” sabi pa ni Mendoza.
Sa Metro Manila lamang, may higit 10 ng motorista ang naipatawag ng LTO na sangkot sa road rage na dinisiplina ng ahensiya.
- Latest