^

Metro

5-sasakyan, nagkarambola; isa, sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang lalaki nang magkarambola ang limang sasakyan sa lungsod ng Maynila nang  isang truck ang nawalan ng preno, kahapon ng umaga.

Hindi naman kaagad nakuha ang pagkakakilanlan ng biktima.

Batay sa ulat ni PCPL Rustom Arcyll De Guzman ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila Police District-Manila District Traffic Enforcement Unit (MPD-MDTEU), nabatid na ang aksidente ay naganap dakong alas-6:25 ng umaga sa Pres. Quirino Avenue, sa Paco, Manila.

Binabagtas umano ng truck, na may plakang RND-916 at minamaneho ni Ronald Maglaque, ang southbound lane ng Pres. Quirino Avenue nang pagsapit sa kanto ng Plaza Dilao ay bigla siyang mawalan ng preno.

Naging dahilan ito upang masalpok ng truck ang apat pang sasakyan, na kinabibilangan ng hatchback, na minamaneho ng nasugatang biktima; isang Wigo, isang taxi at isa pang truck.

Kaagad namang na­isugod ang biktima sa Ospital ng Maynila upang malapatan ng lunas.

BIKTIMA

MAYNILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with