^

Metro

PUVMP nakakuha ng solidong suporta sa transport leaders

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
PUVMP nakakuha ng solidong suporta sa transport leaders
A jeepney driver conducts regular preventive maintenance at a terminal in Jordan Plains, Sta. Monica in Quezon City on January 3, 2024.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nakakuha ng solidong suporta sa mga major national transport groups ang Public Uti­lity Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Sinabi ng mga lider­ ng mga transport groups na Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Dri­vers Association of the Philip­pines, Alliance of Concerned Transport Organizations, Federation of Jeepney Operators and Dri­vers Asso­ciation of the Philip­pines, Stop and Go Transport Coalition, and Liga ng Transportasyon at Ope­rators sa Pilipinas, gayundin ng UV Express National Alliance of the Philippines na napa­panahon na para mapa-implementa ang PUVMP.

Kumpiyansa rin sila na ang mga commuters ang makikinabang sa programa.

Ayon kay Pasang Masda National President Obet Martin, ang PUVMP ay nakapokus sa pagkakaloob ng ligtas at kumbinyenteng public transport sa mga commuters.

“Kaming lahat po ay sumusuporta sa isang napaka-ayos at napakagandang programa ng pamahalaan. [Ang PUVMP] ay maka­pagdudulot ng ligtas na paglalakbay sa ating mananakay at convenience sa kanilang pagsakay. Ika nga’y tinatawag nating sila ay nasa isang modernong sasakyan kung saan matagal nang minimithi ng ating mga kababayan na magkaroon ng magandang sasakyan,” aniya.

Sinabi naman ni Orlando Marquez, LTOP President, na taong 1997 pa ay sumusuporta na sila sa moder­nisasyon ng mga PUVs.

“Nakasuporta po ako sa modernization simula pa 1997. Ipinapa-abot ko ang suporta sa administrasyon ng ating Pangulong Bongbong Marcos Jr. Kaya ngayon sinasabi namin dito sa Magnificent 7, nakasuporta kay Secretary Bautista, LTFRB Chairman Guadiz at sa Pangulo,” aniya.

Ipinaliwanag naman ni Transportation Secretary Jaime J. Bautisa na ang programa ay magkakaloob rin naman ng tulong sa mga apektadong PUV operators at drivers sa panahon ng transition period ng programa.

Aniya pa, determinado ang DOTr na maipatupad ang prog­rama.

“Ang program talaga ang focus ay ‘yung magbibigay o magdudulot ng kabutihan sa ating mga mananakay. Pero hindi rin natin kakalimutan ang responsibilidad sa mga drivers, sa mga operators,” ani Bautista.

TRANSPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with