^

Metro

DOTr: Unconsolidated jeepneys ‘kolorum’ na simula Pebrero 1

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DOTr: Unconsolidated jeepneys âkolorumâ na simula Pebrero 1
A jeepney driver conducts maintenance work on a cooperative-owned passenger jeepney in Quezon City on December 27, 2023.
STAR/ Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Simula sa susunod na buwan, idedeklara nang “kolorum” ang mga jeepneys na nabigong makipag-consolidate sa mga kooperatiba o korporasyon. Ito ay alinsunod na rin sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr),  ang lahat ng mga ope­rators na mabibigong tumalima sa konsolidasyon ay babawian na nila ng prangkisa.

Dahil dito, maaari na lamang silang bumiyahe sa mga lansangan hanggang sa Enero 31.

Ituturing naman silang kolorum simula sa Pebrero 1. Una naman nang nilinaw ni DOTr Office of Transportation Coope­ratives (OTC) Chairman Andy Ortega na maaari pa namang lumahok sa mga kooperatiba ang mga ope­rators at drivers na hindi nag-aplay para sa konsolidasyon ng prangkisa. Matatandaang pinahintulutan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga unconsolidated jeepneys na bumiyahe pa rin sa kanilang ruta hanggang sa katapusan ng Enero, habang naghahanap pa ng papalit sa kanila.

DOTR

OTC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with