^

Metro

13,000 sapatos sa mga estudyante sa San Juan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 13,000 pares ng sapatos ang nakahandang ipamigay ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan para sa kanilang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.

Inanunsyo at ipinakita kahapon ni Mayor Francis Zamora ang disensyo ng rubber shoes na isang low cut at may kulay na puti at pula naipamimigay sa mga mag-aaral sa darating na buwan ng Abril.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagkuha ng sizes ng paa ng mga mag-aaral sa elementarya at high school sa siyudad para matiyak na tama ang sukat ng mapupuntang sapatos sa bawat estudyante.

“Excited na akong makitang suot nyo ang mga ito.  Ano sa tingin niyo ang magandang ipangalan natin dito?” tanong ni Zamora.

Ilan sa mga siyudad na unang nama­hagi ng sariling di­senyo ng sapatos sa mga nakaraang taon ang Makati City, Ta­guig City, Caloocan City, Marikina City at Mandaluyong City. 

vuukle comment

FRANCIS ZAMORA

MAKATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with