^

Metro

143 biktima ng paputok, naitala sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
143 biktima ng paputok, naitala sa Maynila
Police Community Precinct (PCP) commander Maj. Bernardino Diaz Venturina shows boxes of confiscated illegal firecrackers in Divisoria, Manila on December 27, 2023.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Umabot sa 143 indibidwal ang nabiktima ng paputok sa lungsod ng Maynila nitong pagsalubong sa Bagong Taon, ayon sa datos ng Manila Police District (MPD).

Sa impormasyong inilabas kahapon, nabatid na 14 sa naturang mga biktima ang nananatili sa mga pagamutan nitong Enero 1, alas-4:30 ng hapon.

Pinakamaraming naitalang biktima ang Raxabago Police Station 1 sa Tondo na may 33 kaso, kasunod ang Sampaloc Police Station 4 na may 29 na kaso, at ikatlo ang Sta. Ana Police Station 6 na may 19 na kaso.

Iniulat din ng MPD na wala silang namonitor na iligal na pagpapaputok ng baril habang nasa kasagsagan ng ­selebrasyon ng Bagong Taon.

Samantala, aabot sa higit P78,000 libo ng iba’t ibang uri ng ipinagbabawal na paputok ang nakumpiska ng pulisya na ibinibenta sa mga kalsada ng Maynila.

Kabilang sa mga kinumpiska ang mga 500 rounds ng “Sawa”, Pla-Pla, Kingkong, Kwitis, Special Bawang, at mga naglalakihang fountains.

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with