No. 3 ‘most wanted’ ng Batasan Police, timbog
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Batasan Police Station (PS 6) na pinamumunuan ni PLtCol Paterno Domondon Jr., ang No. 3 Most Wanted Person sa bisa ng Warrants of Arrest sa Quezon City.
Himas rehas na ang akusadong si Leo Donesa, 48, at residente ng Brgy. Payatas, Quezon City.
Si Donesa ay may nakabinbing Warrant of Arrest dahil sa kasong 2 counts ng Lascivious Conduct na inisyu ni Hon. Mary Ayn Tolentino Punzalan-Toribio Presiding Judge ng Branch 99, Regional Trial Court (RTC), National Capital Judicial Region, Quezon City.
Nadakip si Donesa sa kanyang bahay nitong Biyernes ng hapon.
“Ang buong pwersa ng QCPD ay patuloy na maglulunsad ng mga operasyon laban sa mga Most Wanted Persons, ani Domondon.
Sinabi naman ni QCPD Director PBrig. Gen. Redrico Maranan na gagawin ng kanyang mga tauhan nag lahat upang mahuli ang mga kriminal at papanagutin sa kanilang pagkakasala.
- Latest