Unang redemption day sa Food Stamp Program beneficiaries, umarangkada
MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang pamamahagi ng electronic benefit transfer (EBT) cards sa bagong batch ng beneficiaries sa unang scale-up pilot implementation ng ‘Walang Gutom 2027: Food Stamp Program’ (FSP) sa Delpan, Tondo, Manila.
Ang EBT cards ay may laman na P3,000 food credits na maaaring maipambili ng mga beneficiaries ng nutritious food items sa Kadiwa ng Pangulo.
Kasama ni Sec. Gatchalian sa aktibidad ang World Food Programme (WFP) Philippine Country Director, ad-interim, Dipayan Bhattacharyya; WFP Head of Programme Giorgi Dolidze; WFP Project Manager for Walang Gutom 2027 Takero Suzuki; DSWD Undersecretary for Innovations Eduardo Punay; DSWD Assistant Secretary Baldr Bringas; Department of Labor and Employment (DOLE)-National Capital Region Assistant Regional Director Atty. Olivia Obrero Samson; DOLE Field Office -Manila Director Atty. Joel Petaca; at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) representative Alyssa Taroy.
Ang FSP ay isa sa priority program ng Marcos administration na layong solusyunan ang food insecurity sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga beneficiaries na maka access sa monetary-based assistance at nutrition education upang maturuan kung paano maghanda ng ligtas at masustansyang pagkain para sa pamilya.
Malaking tulong din ito upang higit na maging productive citizens sa pamamagitan ng skills training at pakikiisa sa government-organized job fairs.
- Latest