^

Metro

‘Daily flushing operations’ ikinasa sa mga abalang lugar sa Maynila

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pagdaraos ng daily flushing operations sa mga abalang lugar sa lungsod.

Layunin ng direktiba ni Lacuna kina Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) head Arnel Angeles at Department of Public Services (DPS) chief Kayle Nicole Amurao na matiyak ang kaligtasan at kalinisan dahil sa ina­asahang pagdagsa ng mga pedes­trians sa mga busy areas ngayong ilang araw na lang at papalapit na ang Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay Lacuna, ang daily flushing ay sinimulan na ng ope­rations team ng MDRRMO at DPS noong Biyernes sa Recto-Divisoria area.

Masasakop din nito ang iba pang lugar, gaya ng Quiapo at Blumentritt, kung saan madalas magtu­ngo ang mga tao para mag-shopping, lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan at sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Nanawagan naman si Lacuna sa mga shoppers na manati­ling alerto at kaagad na ireport sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad.

Tiniyak naman ng alkalde na may sapat na police visibility sa lahat ng mga lugar ng pagtitipon sa lungsod, base na rin sa ginawang panini­guro sa kanya mismo ni Manila Police District (MPD) Director PCol. Arnold Thomas Ibay.

Payo pa ng alkalde sa mga shoppers, iwasang magsuot ng mga mamahaling alahas upang hindi maging target ng mga kriminal. 

Panawagan pa niya sa mga magulang na huwag nang isama sa pamimili ang kanilang maliliit na anak para makaiwas sa anumang inconvenience.

MANILA

MDRRMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with