Marcos, nanguna sa inagurasyon ng Maynilad Water Treatment Plant
MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pormal na inagurasyon ng Poblacion Water Treatment Plant (WTP) ng Maynilad Water sa Muntinlupa City.
Kasama ni Pangulong Marcos sa aktibidad sina Department of Environment and Natural Resources Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, Muntinlupa Mayor Rozzano Rufino “Ruffy” Biazon, Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Administrator Leonor Cleofas, MWSS Chief Regulator Patrick Ty, at mga opisyales ng Maynilad sa pangunguna ni Maynilad Chairman Manuel V. Pangilinan.
Ang Poblacion WTP na pinondohan ng P11 bilyong halaga ay ikatlong water treatment facility ng Maynilad na nakuha ng tubig mula sa Laguna Lake na bahagi ng plano ng kompanya sa paglikha ng mga alternatibong mapapagkunan ng tubig para matiyak na sapat at may pang matagalang suplay ng tubig sa kanilang mga kostumer.
Ang Poblacion WTP ay nakakapag produce ng 150 million liters per day (MLD) ng tubig para suplayan ng malinis na tubig ang may isang milyong Maynilad customers sa Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa at Cavite.
Ang dagdag na suplay ng tubig mula sa lawa ay malaking tulong para maiwasan ang service interruptions na dulot ng raw water quality shifts sa Laguna Lake na epekto ng climate change.
Ang technologically advanced treatment plant na ito ay gumagamit ng multi-stage process ng Dissolved Air Flotation, Cloth Filter, Biological Aerated Filter, Ultrafiltration, Reverse Osmosis, at Chlorination upang masiguro na ang tubig mula sa Laguna Lake ay pasado sa Philippine National Standards for Drinking Water (PNSDW) ng Department of Health.
Sa kasalukuyan, ang Maynilad ay may dalawang treatment plants sa Barangay Putatan, Muntinlupa na nakuha ng draw water mula sa Laguna Lake at nagpo-produce ng combined 300 MLD ng suplay ng tubig para sa mga customers sa southern part ng Metro Manila at Cavite area.
- Latest