^

Metro

Pagsusuot ng face mask sa UP-PGH, mandatory

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagsusuot ng face mask sa UP-PGH, mandatory
Security personnel guard the entrance of the Philippine General Hospital (PGH) in Manila on September 11, 2021.
Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Muling ipinatutupad ngayon ng University of the Phili­ppines-Philippine General Hospital ang mandatoryong pagsusuot ng face mask sa loob ng pagamutan kasunod ng pagtaas sa mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa advisory na inilabas ng pagamutan, inirerekomenda rin nila ngunit boluntaryo ang pagsusuot ng face mask maging sa labas ng pagamutan, lalo na sa mga lugar na hindi maganda ang bentilasyon at mara­ming tao.

Inabisuhan nila ang publiko na kung malusog at bata pa pero may mga sintomas tulad ng ubo, lagnat, sore throat, at sipon, dapat sumailalim agad sa COVID tests para makatiyak kung dinapuan na ng virus.

Kung magpopositibo, dapat sumailalim sa isolation ang pas­yente ng limang araw para hindi makahawa pa ng iba.

Kasunod ito ng ulat ng Department of Health (DOH) na umakyat ng 36% ang mga kaso ng CO­VID-19 nitong nakalipas na linggo kum­para sa sinundang linggo nito.

PGH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with