Face-to-face classes sa Muntinlupa, suspendido dahil sa transport strike
MANILA, Philippines — Suspendido ang face-to-face classes ng mga estudyante ng daycare, kindergarten hanggang Grade 12 sa Muntinlupa City ngayong Huwebes (Dec. 14), ayon sa pamahalaang lokal ng lungsod.
Ito ay dahil sa dalawang araw na transport strike na ikinasa ng PISTON na posibleng maka-apekto sa paglalakbay ngmga mag-aaral, guro at mga empleyado ng paaralan.
Gayunman, nasa pagpapasiya na rin ng Schools Division Office-Muntinlupa City, kung magpapatupad ng blended mode of learning.
Kasama rin sa sinuspinde ang pasok sa Colegio de Muntinlupa at Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa kaya’t ang finals examination ay ire-schedule na lamang.
Hindi naman saklaw ng kautusan ng Muntinlupa City Government ang klase para sa mga pribadong eskwelahan.
“We deem it necessary to suspend classes to spare the children from the inconvenience and difficulties brought about by the strike and the holiday rush of the Christmas season,” dagdag pa nito.
Magde-deploy naman ng mga masasakyan ang city government para sa libreng sakay sa mga commuters.
- Latest