^

Metro

5.9 magnitude lindol tumama sa Occidental Mindoro, Metro Manila inuga rin

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
5.9 magnitude lindol tumama sa Occidental Mindoro, Metro Manila inuga rin
Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naramdaman ang pagyanig dakong alas-4:23 ng hapon kung saan ang sentro ng lindol ay nasa 060 kilometro ng timog silangan ng Lubang Occidental Mindoro.
Google Map

MANILA, Philippines — Niyanig ng 5.9 magnitude na lindol ang Occidental Mindoro kung saan naramdaman din ang pag-uga sa Metro Manila.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naramdaman ang pagyanig dakong alas-4:23 ng hapon kung saan ang sentro ng lindol ay nasa 060 kilometro ng timog silangan ng Lubang Occidental Mindoro.

Umaabot sa 079 kilometro ang lalim ng lupa sa naturang lindol.

Ayon sa Phivolcs, ang paggalaw ng Manila Trench ang ugat sa naganap na pag­lindol.

Bunga nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa intensity 5 sa  Lubang, Occidental Mindoro, Puerto Galera, Oiental Mindoro at  Intensity 4 sa Makati City, Quezon City, Taguig, City of Malolos, City of Meycauayan, Obando, at Plaridel, Bulacan; Floridablanca, Pampangga, San Jose, Batangas, City of Tagaytay, Cavite.

Intensity 3 sa Caloocan, Pasig,  Cuenca, at Talisay, Batangas, Bacoor at  General Trias, Cavi­te, Rodriguez, Rizal, Mamburao, Occidental Mindoro, Intensity 2 – Marikina; City of San Jose Del Monte, Bulacan; Gabaldon, Nueva Ecija; Lucban, Quezon; San Mateo, RIZAL; Odiongan, Romblon at Intensity I sa San Fernando, Pampangga; San Ped­ro, Laguna; Mauban, Quezon.

Ayon sa Phivolcs asahan na ang aftershocks kaugnay nang naganap na pagyanig.

Dahil na may kalakasan din ang naramdamang pagyanig sa Metro Manila kung kaya ilang governmemnt offices, eskuwelahan at mga pribadong kompanya ang napilitang palabasin ang ang kanilang mga empleyado at mag-aaral sa inaasahang mga aftershocks.

EARTHQUAKE

OCCIDENTAL MINDORO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with