^

Metro

MMDA, CICC kapit-bisig vs cyber attack

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
MMDA, CICC kapit-bisig vs cyber attack
Ito’y sa kahilingan ng MMDA sa CICC na technical assistance sa pagsasagawa ng information communications technology (ICT) security, cybercrime resilience, and data protection assessments ng ahensya sa critical information infrastructure (CII). 
Pixabay

MANILA, Philippines — Isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nilagdaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na magtutulungan at mag-uugnayan sa cybersecurity iniatives.

Ito’y sa kahilingan ng MMDA sa CICC na technical assistance sa pagsasagawa ng information communications technology (ICT) security, cybercrime resilience, and data protection assessments ng ahensya sa critical information infrastructure (CII). 

Pinirmahan nina Artes at CICC Executive Director Alexander Ramos ang MOA.

Nakapaloob sa kasunduan na ang MMDA at CICC ay makikipag-ugnayan din sa iba pang ahensya ng gobyerno at mga organisasyon ng pribadong sektor sa mga isasagawang cybersecurity at anti-cybercrime planning para sa  pagbuo ng mga polisiya.

Iginiit ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes na mahalaga ang cybercrime  resilience at  rapid technological advances na importanteng magkaroon ang ahensya dahil na rin sa mga hawak na maraming datos ng mga apprehension at video footage,.

Bukod sa ICT security, cybercrime resi­lience, at data protection assessments ng MMDA CII, makakatuwang din ang CICC sa key digitalization nito tulad ng revitalization ng Security Operations Center at iba pa, upang matiyak na ang cybersecurity at ang cybercrime risk mitigation ay nakakamit.

CYBER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with