40 HS students sumabak sa ‘Battle of the Brain’
MANILA, Philippines — Lumahok sa idinaos na “Battle of the Brains” ang 40 estudyante mula sa 20 pampubliko at pribadong paaralan sa Parañaque City bilang pagdiriwang sa World AIDS Day, sa SM Sucat noong Biyernes.
Ayon kay Parañaque City Mayor Eric Olivarez, ang aktibidad ay inorganisa ng Social Hygiene Clinic and Wellness Center sa pangunguna ni Dr. Karen Galvan bilang paggunita para ipakita ang suporta sa mga nabubuhay na may human immunodeficiency virus o HIV at para alalahanin ang mga namatay sanhi ng acquired immunodeficiency syndrome o AIDS-related illnesses.
Nakamit ng Multinational Sacred Heart School ang first place na may cash prize na P15,000; pumangalawa naman ang Ann Arbor Montessori Learning Center na tumanggap ng P10,000 cash at Parañaque Science High School na nasa ikatlong pwesto ay nakakuha ng P8,000.
- Latest