^

Metro

122 lote ipinamahagi ng NHA sa Marikeños

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 122 lote ang ipinamahagi ng National Housing Authority (NHA) sa mga qualified beneficiary ng  ‘Bulelak Minahan’ sa isang seremonya sa  Marikina Hotel and Convention Center sa Marikina City.

Ang aktibidad ay bahagi ng Settlements Upgrading Program ng NHA, na layuning tugunan ang seguridad sa paninirahan ng mga informal settlers sa mga lupaing pagmamay-ari ng gob­yerno sa pamamagitan ng infrastructure development at housing construction.

Ang pabahay na may 10,041 square meters ng ‘Bulelak Minahan’ ay naisagawa sa  pakikipagtulungan ng  Marikina City LGU kung saan ang mga  benepisyaryo ay tumanggap ng kanilang Conditional Contract to Sell (CCS) mula sa NHA  bilang pagkilala sa kanilang paninirahan sa lugar ng mahigit 40 taon.

Ang hakbang ay bahagi ng pagsusumikap ng NHA na matulu­ngan ang mas maraming pamilyang Pilipino na matupad ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling tahanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng dekalidad, ligtas, at abot-kayang pabahay bilang suporta sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) flagship program ni Pangulo Ferdinand R. Marcos, Jr. patungo sa Bagong Pilipinas.

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with