^

Metro

130,000 kilo ng hot meat nasabat sa Navotas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
130,000 kilo ng hot meat nasabat sa Navotas
Ayon kay Dennis Solomon ng  DA Ins­pectorate and Enforcement Team,  isang buwan silang nagsagawa ng surveillance sa dalawang cold storage na nasa  San Rafael Village kung saan nasabat ang  kahun-kahong Peking duck, black chicken, jellyfish,at iba pang uri ng isda.
AFP / File

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng mga tauhan ng Department of Agriculture  at National Meat Inspection Service (NMIS) ang nasa 130,000 kilo ng hot meat mula sa dalawang  cold storage  sa Navotas City.

Ayon kay Dennis Solomon ng  DA Ins­pectorate and Enforcement Team,  isang buwan silang nagsagawa ng surveillance sa dalawang cold storage na nasa  San Rafael Village kung saan nasabat ang  kahun-kahong Peking duck, black chicken, jellyfish,at iba pang uri ng isda.

Sinabi ni Solomon na isang tauhan nila ang naka-order ng peking duck na  ipinagbabawal pa ring makapasok sa bansa.

Nabatid na walang kaukulang papeles ang mga  smuggled meat at nagsisimula nang mabulok.

“Pagpasok natin, tumambad satin yung amoy. Kung nakakaamoy lang ang mga camera natin, pati mga cameramen natin masusuka,” ani Solomon.

Paliwanag naman ni Dr. Jude Padasas ng NMIS, hindi dapat na  ibinebenta ang  smuggled agricultural products tulad nito dahil sa panganib sa kalusugan.

“May karapatan po kayo sa malinis na karne. Ang mga [smuggled products na] ito ay hindi na dapat umaabot pa sa hapag-kainan,” dagdag pa ni Pasadas.

Umaabot sa P40 milyon ang halaga ng mga nakumpiskang  agricultural products .

Ipinasara naman ng Navotas LGU ang nasabing pasilidad.

NMIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with