Pagsawata sa krimen, palakasin
Giit ng Citizen Crime Watch
MANILA, Philippines — Nanawagan ang pamunuan ng Citizen Crime Watch sa bagong mamumuno sa Philippine National Police (PNP) na lagyan ng lakas at bagsik ang mga kampanya ng pamahalaan laban sa pagtaas ng krimen sa bansa.
Sa Pandesal forum, sinabi ni Jigs Magpantay,National President ng CCW na kung malambot at hindi pinaiigting ng PNP ang paglaban sa krimen walang matatakot sa paggawa ng krimen, patuloy ang mga kaso ng droga at mga patayan sa bansa.
Kaugnay nito, nanawagan si Magpantay sa mamamayan at mga non governmental organization na makipag-tulungan sa pamahalaan na mapalakas ang kampanya ng PNP laban sa iba’t ibang uri ng krimen.
- Latest