^

Metro

Abalos sa bagong barangay officials: ‘Walang gantihan!”

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Interior Secretary Benhur Abalos nitong Martes ang mga bagong halal na opisyal ng barangay iwasan ang umano’y gantihan o palitan ang mga nadatnan nang barangay workers kung may kakayahan namang ipagpatuloy ng mga programa at serbisyo ng komunidad.

Ayon kay Abalos, dapat nang matapos ang “political retribution” dahil ang tunay na pinuno ay laging nagbibigay inspirasyon at pagkakaisa sa mga tao.

“Hindi po ito gantihan. I am pleading sa ating mga bagong kapitan ngayon na hangga’t maaari sana ay yakapin natin lahat [barangay personnel] including the continuity of good programs and projects. Para magawa ito, siyempre, kailangan mo ng mabubuting tao para ipagpatuloy ang mga serbisyong ito,” ani Abalos.

Binigyang-diin ni Abalos na dapat unahin ng mga bagong halal na opisyal ang pagpapanatili ng mga barangay health workers, nutrition scho­lars, at tanods.

Ipinunto ng kalihim na ang pagpapanatili sa mga barangay workers na ito, na sumailalim na sa capacity development interventions, ay may mahalagang papel sa pagtugon sa mga problema sa mga barangay.

Nauna nang nagbabala ang DILG chief sa mga bagong halal na opisyal na huwag magtalaga ng mga kamag-anak sa mga posisyong administratibo, at binigyang-diin na ang background sa edukasyon at iba pang mga kwalipikasyon ang dapat ­isaalang-alang.

OFFICIALS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with