^

Metro

PNP-CIDG: Wala pang ‘proof of life’ sa missing beauty queen

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP-CIDG: Wala pang �proof of life� sa missing beauty queen
Catherine Camilon in this photo posted on her Instagram on Jan. 7, 2023
catherine_camilon / Instagram

MANILA, Philippines — Aminado ang Philippine National Police-Criminal Investigation ande Detection Group Region 4A na wala pa rin silang nakikitang  ‘proof of life’ sa nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon.

Ayon sa pulisya, patuloy pa rin ang kanilang pangangalap ng ebidensiya upang matagpuan si Camilon buhay man o patay.

Maging ang mga maliliit na detalye o ebidensiya ay tinututukan ng PNP-CIDG Region 4A dahil naniniwala sila maaaring makatulong ang mga ito upang malutas ang krimen.

Samantala, sinabi ng PNP-CIDG na kailangang sumailalim sa DNA test ang pa­ngunahing suspek at karelasyon ni Camilon na si PMajor Allan De Castro.

Kailangan na maikumpara ang mga ebidensiyang nakuha kay Camilon at kay De Castro.

Bagama’t may karapatang tumanggi si De Castro, mas makabubuti kung makikipagtulungan na lamang ito sa imbestigasyon at lumabas ang totoo.

Bukod sa hawak na ng CIDG ang opisyal na resulta ng DNA test ng magulang ni Ms Catherine, hawak na rin ng mga ito ang biological evidences na natagpuan sa abandonadong SUV.

vuukle comment

MISSING

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with