^

Metro

20-taon pagkakulong hatol sa Chinese sa human trafficking

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
20-taon pagkakulong hatol sa Chinese sa human trafficking
Bukod pa rito ang utos ng hukom na bayaran ni Chen ang biktimang babae na kanyang kababayan ng P400,000 bilang moral at exemplary damages.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kulong ng hanggang 20-taon at multang P1 milyon ang ipinataw ng Las Piñas Regional Trial Court sa isang Chinese national sa kasong human trafficking. Sa kautusan na may petsang Oktubre 27, 2023, sinabi ni Judge Phoeve Meer ng RTC Branch 275, guilty si Andy Chen sa paglabag sa  Republic Act 9208 sa inamyendahang RA 10364 Expanded Anti-Trafficking in Persons Act).

Bukod pa rito ang utos ng hukom na bayaran ni Chen ang biktimang babae na kanyang kababayan ng P400,000 bilang moral at exemplary damages. Ang biktima ay isang Philippine offshore gaming operator (POGO) worker, na nai-rescue ng mga ope­ratiba ng Women and Children Protection Center (WCPC) sa raid sa XinChuang Network Technology sa Alabang Zapote Road, Barangay Almanza Uno, noong Disyembre 1, 2021.

ANDY CHEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with