^

Metro

Lalaki sa Marikina umakyat sa poste ng kuryente, inabot ng 27 oras sa itaas

James Relativo - Philstar.com
Lalaki sa Marikina umakyat sa poste ng kuryente, inabot ng 27 oras sa itaas
Kuha ng lalaking umakyat ng mataas na poste ng kuryente sa Brgy. Calumpang, Lungsod ng Marikina
Video grab mula kay Gary de Leon/News5

MANILA, Philippines — Sinaklolohan ng mga otoridad ang isang lalaki sa Lungsod ng Marikina matapos umakyat ng poste ng kuryente at magpasirko-sirko sa mga kawad nito simula pa kahapon, Martes.

Inabot ngayong Miyerkules sa ibabaw ng 60-feet na poste ang lalaki sa Brgy. Calumpang, bagay na inabot ng 27 oras bago makumbinsing bumaba ng rescue team, ayon sa ulat ng dzRH.

Nagdulot ng power interruption ang lalaki sa ilang bahagi ng Marikina habang sinisibukang i-rescue. Ayon sa mga ulat, bandang 10 a.m. pa kahapon nang pumanik ang lalaki.

 

 

 

 

Aniya, pahirapang kunin ang lalaki sa hawak nitong bakal. Kinaumagahan kanina, mas gumitna pa raw ang nabanggit.

Isang "cushion bag" ang una nang inihanda ng Bureau of Fire Protection (BFP) bilang pansalo sa lalaki kung sakaling mahulog.

 

 

Lumantad din ang isang nagpakilalang kapatid ng lalaki bandang tanghali at umakyat din para kumbinsihing pumanaog sa peligrosong posisyon. Hindi pa rin malinaw ang puno't dulo ng pag-akyat ng lalaki.

Hinihingian pa ng Philstar.com ng pahayag si Marikina City Mayor Marcy Teodoro patungkol sa insidente ngunit hindi pa rin tumutugon hanggang sa ngayon. — may mga ulat mula sa News5

BUREAU OF FIRE PROTECTION

ELECTRICITY

MARIKINA

POST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with