260 wanted persons naaresto ng QCPD
MANILA, Philippines — Nasa 260 wanted persons (WP) na sangkot sa iba’t ibang krimen ang naaresto ng Quezon City Police District (QCPD) sa serye ng operasyon mula Oktubre 1 hanggang 31, 2023.
Ito ang sinabi ni QCPD director PBGen. Redrico Maranan na resulta ng pinaigting na manhunt operations ng iba’t ibang police stations ng QCPD.
Sa kabuuang bilang ng mga naaresto, 96 dito ang Most Wanted Persons at 164 ang iba pang nahuli sa bisa ng warrant of arrests.
Sinabi ni Maranan na ang Novaliches Police Station (PS 4) sa ilalim ni PLtCol Jerry Castillo ang may pinakamaraming bilang ng naarestong wanted persons sa iba’t ibang kaso.
Kasunod nito ang Talipapa Police Station (PS 3) ni PLtCol Morgan Aguilar at Batasan Police Station (PS 6) ni PLtCol at Paterno Domondon, Jr. habang ang pangatlong may pinakamaraming huli na wanted persons ay ang Project 6 (PS15) ni LtCol. Richard Mepania.
Paliwanag ni Maranan, titiyakin nilang mapananagot ang mga nagkakasala at mabibigyan ng hustisya ang mga biktima.
Pinuri naman ni Maranan ang iba’t ibang police stations at units ng QCPD dahil sa matagumpay na manhunt operations na nagresulta ng pagkaaresto sa mga taong matagal nang pinaghahanap ng batas.
- Latest