^

Metro

9 preso nakatakas sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
9 preso nakatakas sa Maynila
Agad na winelding ang bahagi ng rehas na bakal na pinutol ng mga bilanggo kung saan dito dumaan ang siyam na preso na pumuga sa Custodial Jail ng Manila Police District-Station 1 (Raxabago) sa Tondo, Maynila kahapon.
Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines — Siyam na preso na nakaditine sa Custodial Jail ng Manila Police District- Station 1 (Raxabago) sa Tondo, Maynila ang nakatakas, kahapon ng madaling araw.

Nangyari ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling araw makaraang putulin ng mga bilanggo ang bahagi ng rehas na bakal.

Ayon kay MPD Dir. Col. Arnold Tho­mas Ibay, naaresto na ang lima sa siyam na nakatakas sa ikinasang manhunt operation.
Kabilang sa mga nadakip sina Arnold Olino, MJ Tuazon, Jericho Andal, Albert Calayas, at Adriano Zilmar.

Kasalukuyang pinaghahanap pa sina Gian Carlo Rayala, Jefferson Bunso Tumbaga, Master Cedric Zodiacal, at John Joseph Laguna.
Ang mga nakatakas na preso ay pawang may mga kasong illegal drugs, illegal possession ng baril at mga may warrant of arrest.

Agad naman ni-relieve sa puwesto ang duty desk officer at mga bantay na pulis dahil sa insidente.

Kasalukuyan ng iniimbestigahan ng MPD ang insidente habang nagpapatuloy ang manhunt operation para madakip ang apat pang pumuga.

vuukle comment

MAYNILA

TONDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with