^

Metro

Basurang nahakot sa Manila North at South cemeteries, nadoble

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Basurang nahakot sa Manila North at South cemeteries, nadoble
Families and caretakers clean and repaint the tombs of their departed loved ones during the last day of tomb cleaning and repairing at the Manila South Cemetery on October 25, 2023.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nadoble pa ang dami ng mga basurang iniwan at nahakot ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa Manila North at South cemeteries, kumpara noong Undas ng 2022.

Sinabi ni Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Mayor Honey Lacuna, nasa 299 metriko tonelada ang nahakot ngayong taon sa dalawang pinakamalaking sementeryo sa lungsod.

Doble ito ng 148 metriko toneladang nahakot sa dalawang sementeryo noong 2022.

Ito ay makaraang hi­git sa dalawang milyong bisita rin ang dumagsa sa dalawang sementeryo sa loob ng limang araw o mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.

Nakapagtala ang Manila North Cemetery ng kabuuang 1,501,050 bisita sa loob ng limang araw, habang ang Manila South Cemetery naman ay mayroong 560,595 bisita.  May kabuuan itong 2,061,645 na bisita.

Ipinaliwanag ni Abante na ang pagdami ng mga bisita ay dulot ng mas maluwag na mga panuntunan ngayon patungkol sa COVID-19 at pagpayag ng administrasyon ng mga sementeryo na makabisita ngayong taon ang sinuman kahit anong edad, hindi tulad ng mga nakalipas na taon.

CEMETERIES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with