^

Metro

Bolivian national huli sa P47.7 milyong cocaine

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Bolivian national huli sa P47.7 milyong cocaine
Ang nadakip na Bolivian national na si Roberth Lavadrnz Alvarez, na nasamsaman ng nasa P47.7 milyon halaga ng cocaine
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasa P47.7 milyon halaga nang iligal na droga ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Customs sa Port of NAIA at Philippine Drug enforcement Agency (PDEA) mula sa isang Bolivian national tra­veller sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Nabatid na unang nakatanggap ng tip mula sa international drug counter part ang mga awtoridad kung saan inantabayanan na ang pagdating ng dayuhan mula Addis Abada.

Kinilala ang drug mule na isang alyas Roberth Lavadrnz  Alvarez, 30.

Natuklasan ang 10 plastic pouches sa kanyang bagahe na dito nakalagay ang 405 pirasong binalot ng wrap candy na may bigat na 8,999.11 grams na cocaine matapos itong dumaan sa x-ray machine ng customs.

Si  Alvarez, ay dumating sa NAIA terminal 3 sakay ng Ethiopian Airline Flight ET644 mula Addis Ababa galing sa Sao Paulo, Brazil.

Na-inquest na sa Pasay City prosecutor’s office ang pasahero at itoy pansamantalang nakaditine sa PDEA main office, Quezon City.

BOLIVIAN

NAIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with