^

Metro

Kasong murder isinampa vs 6 pulis sa ‘Jemboy’ case

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasong murder at hindi  homicide ang  isinampa  laban sa anim na pulis na sangkot sa pamamaril at pagkamatay ng 17-anyos na si Jerhode “Jemboy” Baltazar sa Navotas City Regional Trial Court.

Kabilang sa mga kinasuhan sina Executive M/Sgt. Roberto Balais Jr., SSgt. Antonio Bugayong Jr.,SSgt. Gerry Maliban, SSgt. Nikko Pines Esquilon, Cpl. Edmard Jade Blanco at Pat. Benedict Mangada.

Ang pagsasampa ng  kasong murder ay ibinase sa tama ng bala ng baril sa katawan ni  Baltazar at  bilang ng mga pulis na responsable sa insidente.

Una na ring pinasibak ni National Capital Region Police Office(NCRPO) Director PBGen. Joe Melencio Nartatez ang anim na pulis dahil sa kasong grave irregularity in the performance of duty at conduct unbecoming of a police officer  kasama ang dalawa pang  opisyal ng  Navotas City Police na sina Cpt. Mark Joseph Carpio at Luisito de la Cruz na kinasuhan ng serious grave neglect of duty.

Maging ang  hepe ng Navotas City Police na si Col. Allan Umipig ay sinibak sa puwesto dahil sa command responsibility at tangkang  pagtakpan ang kaso.

Matatandaang napagkamalan ng mga pulis noong Agosto 2 si Baltazar na si Reynaldo Bolivar na suspek isang  shooting incident sa Brgy. NBBS, Kaunlaran, Navotas City.

Umaabot sa 22 pulis ang tinanggal sa puwesto dahil sa kaso.

Walang inirekomendang piyansa sina Assistant City Prosecutor Arvin Carael at City Pro­secutor Armando Cavalida para sa pansamantalang paglaya ng mga suspek.

HOMICIDE

MURDER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with