^

Metro

2 miyembro ng BCJ arestado sa droga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 miyembro ng BCJ arestado sa droga
Kinilala ng Jaen Police ang mga suspek na sina Jayson Aguilar, 19, at Marlon Fernandez, 18; kapwa estudyante ng hindi pinangalanang pamantasan at residente ng Barangay San Anton, San Leonardo, NE.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Dalawang lalaking miyembro ng Batang City Jail (BCJ) gang ang inaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust operation sa Port Area, Manila kahapon ng madaling araw.

Ang mga suspek ay nakilalang sina King ­Diocton alyas “Bibi”, 20-anyos, at John Rong­cales, 46; kapwa residente ng Baseco Compound, Port Area, Manila.

Batay sa ulat ni PStaff Sgt. Bob John Lolong ng Baseco Police Station (PS-13) ng Manila Police District (MPD), dakong alas-5:00 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa Block 15A sa Baseco Compound.

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni PCapt. Harold Celestra, hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek, kaya’t kaagad na nagkasa ng isang buy-bust operation na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang P500 buy-bust money at limang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, na na nasa 5.3 gramo at may estimated street value na P36,040.

Ang mga suspek ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 sa Manila City Prosecutor’s Office.

BCJ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with