Tindahan ng second hand motors sa CAMANAVA, ininspeksyon
MANILA, Philippines — Kumilos na ang Northern Police District Anti-Carnapping Unit (DACU) at gumawa na ng proactive measures laban sa iligal na kalakalan ng mga second hand motor vehicle at motorcycle parts sa loob ng CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area.
Alinsunod sa Presidential Decree 1612, ipinatutupad ng DACU ang “Visitorial Power” upang siyasatin at ayusin ang mga negosyong nakikibahagi sa kalakalang ito.
Lahat ng tindahan ng sasakyan at motorsiklo na nagbebenta at bumibili ng mga secondhand parts ay binibisita at iniinspeksyon na ng District Anti-Narcotics Unit.
Ayon sa NPD Director PBGen. Rizalito Gapas, layon nilang tiyaking hindi nakikibahagi sa trafficking ng stolen goods ang mga tindahan na paglabag sa provisions ng PD 1612 o Anti Fencing Law.
Ang lahat ng mga establisimyento ay minomonitor at kailangan na may kaukulang papeles at sumusunod sa batas.
Kaugnay nito, ilang tindahan na sa Caloocan at Valenzuela City ang sumailalim na sa visitorial power ng mga tauhan ng NPD Anti-Narcotics Unit simula noong Setyembre 22.
- Latest