^

Metro

Klase sa ilang paaralan sa Metro Manila, sinuspinde dahil sa ‘smog’

Angie dela Cruz, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Klase sa ilang paaralan sa Metro Manila, sinuspinde dahil sa âsmogâ
Ang makapal na ‘smog’ na bumalot sa Metro Manila simula pa noong Huwebes na sinasabing dulot sa maraming usok na ibinubuga ng mga sasakyan at hindi galing sa bulkang Taal.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Kinansela kahapon ng ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang pasok sa mga pampubliko at pribadong paaralan at ma­ging pasok sa kanilang mga tanggapan dahil sa makapal na “vog o smog” na bumalot sa Kamaynilaan umpisa pa nitong Huwebes ng hapon.

Sa Maynila, pasado alas-11 ng umaga na nang mag-anunsyo ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng kanselasyon ng “in person” o “face-to-face classes” sa panghapon sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

“Work in the city go­vern­ment of Manila, including its satellite offices, is likewise suspended starting 1:00PM,” ayon pa sa MDRRMO.

Nagsuspinde rin ng pang­hapong klase sa lahat ng antas sa mga pampubli­kong paaralan ang Quezon City government.

Ito ay bilang tugon ng QC LGU sa rekomendas­yon ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) dahil sa smog formation.

Maaga namang nagkansela ng klase sa mga paaralan si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano. Kinansela rin ang pasok sa hapon ng kanilang mga empleyado sa lokal na pamahalaan maliban sa mga emergency responders.

Nagkansela rin ng klase ang  Parañaque City, Makati City, Taguig, Las Piñas at Muntinlupa.

MDRRMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with