^

Metro

MMDA nagluluksa sa pagpanaw ni Bayani Fernando

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagluluksa rin nga­yon ang Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) sa biglaang pagpanaw ng dati nilang chairman na si Bayani Fernando na namuno sa ahensya mula 2002 hanggang 2009.

Sa pahayag ng ahensya, gumamit si Fernando ng parehong siyentipiko at praktikal na pamamaraan sa pagresolba niya sa mga problema sa Metro Manila.

“A man of few words, Fernando is known to be a workaholic and a disciplina­rian among MMDA emplo­yees,” ayon sa ahensya.

Sa ilalim ng kaniyang pamumuno, nailagay sa ‘spotlight’ ang MMDA dahil sa mga kontrobersyal niyang polisiya. 

Si Fernando ang nasa likod ng idea na ‘rapid bus lanes’, ‘Metro Gwapo’ campaign’, ‘Gwapotel’, at siya rin ang naglagay ng mga pink na bakod sa EDSA, mga signages tulad ng ‘Walang Tawiran, Nakamamatay’ at ‘Bawal Tumawid, May Namatay na Dito”, maging ang pagbibigay ng deodorant sa mga bus at jeepney drivers.

“Thank you very much for your contributions. Rest now, Sir, for you already got the job done,” dagdag pa ng MMDA.

BAYANI FERNANDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with